martsmalabs ([info]martsmalabs) wrote,
@ 2007-04-29 21:01:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Elmer and Rizal comics (para kina James at LJ, at sa iba pang baka interesado)

Na-curious lang ako sa komiks na Elmer ni Gerry Alanguilan dahil medyo malapit siya sa nasabi sa aking story idea ni James na tungkol sa mga manok. Well, noong finally nakabili na ako ng kopya last December, sobra akong na-hook. Sa katunayan, bumibisita ako every now and then sa blog ng writer-artist para makasagap ng balita kung kailan lalabas ang mga susunod na bahagi (mukhang matagal-tagal pa, pero this year na yata). Anyway, napadaan uli ako kanina at nalaman kong pati si NEIL GAIMAN lang naman ay nabasa at nagustuhan ang Elmer...at pinadalhan pa niya ng handwritten postcard si Gerry Alanguilan para sabihin yun. Maliban sa The Wolves in the Walls, wala pa akong nababasang ibang gawa ni Neil Gaiman (nakakahiya), pero aware naman ako na idol siya ng sobrang daming tao. Hence, kung nagustuhan niya ang Elmer, siguro ibig sabihin astig talaga yung komiks na yun. Anyway, para sa mga hindi maka-relate pero interesado, narito sa site na ito ang ilang unang pahina nung part 1 ng komiks. Tingnan niyo na lang: http://www.alanguilan.com/sanpablo/elmer/teaser01.html At kung magustuhan niyo, bili kayo ng kopya. Available pa rin naman yata ang parts 1 and 2. 50.00 each lang naman sa Comic Quest (may listahan din yata sa site na yun ng iba pang lugar kung saan makakabili nun).

------------

Nakita ko rin sa blog ni Alanguilan na may balak siyang gawing bagong proyekto. Ang pamagat ay The Marvelous Adventures of the Amazing Dr. Rizal. O diba nakakaintriga ang pamagat? MAS nakakaintriga pa kung ano ang balak gawin ng manunulat (lalo na siguro para sa iyo, LJ). Curious? Basahin niyo na lang yung entry ni ALanguilan tungkol sa proyektong ito: http://gerry.alanguilan.com/archives/73




(2 comments) - (Post a new comment)

GO ELMER!
[info]jomalons
2007-05-01 03:14 am UTC (link)
Lintek na, nang dahil sa Elmer gumuho ang mga pangarap ko tungkol sa mga manok! haha. biro lang. Maganda talaga ang ELMER! Salamat Martin sa mga kopya. Bwiset ka rin, yan tuloy wala na akong originality. haha. Biro lang. Magaling talaga elmer! (inulit ko lang)

(Reply to this) (Thread)

Re: GO ELMER!
[info]martsmalabs
2007-05-01 11:57 am UTC (link)
Walang anuman.

At huwag kang mag-alala. Marami ka pang maiisip na ibang kuwento. Ikaw pa. Para ibahin nang kaunti ang isang linya mula kay Tony Perez (Sa North Diversion Road): "Sa lawak ng [utak] mo, maliligaw ka rin."

(Reply to this) (Parent)


(2 comments) - (Post a new comment)

Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…