martsmalabs ([info]martsmalabs) wrote,
@ 2007-05-03 21:20:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
kung anu-ano tungkol sa prod
"...and Tuesday nights at Eddie Condon's with Wild Bill Davison playing that trumpet of his..."--Kikay in New Yorker in Tondo

Hanggang 1967 lang daw may Eddie Condon's sa New York. Namatay si Eddie Condon (ang may-ari, duh) noong 1971. Si Wild Bill Davison naman, cornet at hindi raw trumpet ang tinutugtog. At namatay siya nung 1989. So paano sila napanood ni Kikay?

Pasensya na, bunga lang ng research para sa slides. Pero nakaka-off pa rin talaga para sa akin na sa staging na nagawa (at ginagawa uli) namin, sa kasalukuyan ang setting ng dula, pero hindi pa rin pinalitan ang mga references. Siguro kunyari na lang nakapunta nga si Kikay sa New York pero hindi rin nakapag-ikot. So nagkasya na lang siya sa pagmememorya ng isang lumang (circa 1960s) travel brochure/ city guide para may maikuwento siya pagbalik niya sa Pilipinas. Labo. Anyway, it's just me.

-------

Speaking of that staging, nalalabuan na talaga ako sa set...at ako (mainly) ang nag-design nun. Hay. Minsan talaga kahit pakiramdam mo ay napag-isipan mo na well enough ang isang ideya, may mga susulpot pa ring problema. Malas mo pa kung kakaunti ang oras (at pera, at tao) kaya kailangang bira ka na lang nang bira nang todo-todo. Sana matapos/maayos din namin lahat sa mga natitira pang araw--hindi lang yung mga problema sa construction, pero sana ma-unify ko rin ang buong look. Pero kailangan ko pang gumawa ng slides. Hahahaha. Woohoo!

-------

And can I just say...medyo nakakairita lang naman na ngayon pa naisipang palitan ang mga sirang vinyl/linoleum (?) floor tiles ng RMT. Hindi naman siya major hassle (although hassle pa rin talaga), pero pakiramdam ko lang kasi, parang nag-encroach sila sa oras at espasyo na legal na nakuha ng Enta para sa summer prod. 

-------

Still, today was quite nice. 

------

Go Martin! Or should I say...GO MARTS! (hehehe)



(1 comment) - (Post a new comment)


[info]mymai_d
2007-05-07 05:11 pm UTC (link)
Hahahaha ngayon ko lang 'to nabasa. :-) At TRUE! Paano nga 'yon? Kung sabagay, ang mga taong pinagsasabihan ni Kikay naman ay engs sa sitwasyon. Hahaha

(Reply to this)


(1 comment) - (Post a new comment)

Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…