martsmalabs ([info]martsmalabs) wrote,
@ 2007-06-25 13:25:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Numbalikdiwa
Medyo bad trip ang simula ng araw ko kahapon, pero buti na lang sa simula lang. At least dahil sa mga pangyayari, natagpuan ko ang sarili ko sa Galleria, kaya sinunggaban ko na ang pagkakataong panoorin na finally ang Numbalikdiwa, isang independent film kung saan kasali sa crew ang ilan sa mga blockmates/classmates ko.

Hindi siya super "wow," pero mahusay naman ang pagkakagawa, at definitely mas satisfying naman siyang panoorin kaysa sa Silip (hehehe). Medyo may "student film" feel pa rin siya para sa akin (siguro ay dahil din ka-batch ko ang ilang taong involved...at ilan pa sa kanila ay naging mga extra sa pelikula), pero isang student film na interesting ang kuwento at mahusay ang pagkakagawa. Actually, kinilabutan pa ako sa ilang bahagi. At bumilib ako sa acting ni Maricel Soriano nung... well, sa bandang huli (ayokong i-spoil. hehehe).

Basta, kung may oras kayo ngayon o bukas (usually ay tig-1 week lang ang run ng mga ipinapalabas sa IndieSine sa Galleria, at tuwing wednesday nagsisimula ng bago), nood kayo! At abangan niyo yung eksena kung saan manonood ng TV si Maricel. Kung hindi ako nagkakamali, ang ipinapalabas ay isang lumang pelikula ni Bobby Bonifacio (yung Kapag Tumibok ang Puso or its sequel, Muling Tumibok ang Puso). Super bilis lang, pero nasulyapan at narinig ko si Carlo Aquino (yung kulot na dating Enta ha, hindi yung ex ni Angelica Panganiban. hehehe)! Well, at least I think so. hehehe. Abangan niyo para ma-confeerm!



Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…