| martsmalabs ( @ 2007-07-06 20:06:00 |
sapatos at dula
Nakakawindang... nagpintura na rin ako sa sapatos ala-Maita Ponce! Order ang mga ito ng isang kaibigan (na nag-sponsor din ng materyales). Yung kaliwa, mukha niya (hindi pa tapos kaya may dyaryo pa sa loob). Yung sa kanan naman, kunyari two-tone wingtips. Nakakakaba sa simula, pero aliw namang gawin.

---------------------------------------- --
Nanood ako ng Palanca in my Mind at Hubad (The Best of Virgin Labfest 2)sa CCP nung isang araw, kasama ng aking balikbayan friend. Ang saya, grabe! Yung Palanca, ang kulit. Bentang-benta sa amin ang Miss Saigon spoof lalo na ang linyang "a song played on a solo xylophone..." complete with nagmamartsang mukhang abnoy na tumutugtog ng xylophone. Yung Hubad naman, siyempre astig... nandun si Irma Adlawan eh. Siyempre ang husay nila ni Nonie Buencamino. At maganda rin talaga ang concept na medyo dance-drama. Special mention lang din tungkol sa set. Ang galing ng nagawa nila sa 2 mattress at sa pinapalit-palitang fitted sheets corresponding to each "fanatasy." Siyempre... si Gino Gonzales ang may gawa eh! Basta nag-enjoy kami, at siyempre special dahil naka"tikim" uli ng Philippine theatre ang kaibigan ko. Yun.